Kumpiyansa ang Pangulong Rodrigo Duterte na malakas ang isinampang kaso ng Department of Justice (DOJ) laban kay Senadora Leila de Lima kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng dating DOJ Secretary sa operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.
Ayon sa Pangulo, marami ang tumestigo at inabot din ng ilang buwan bago tuluyang mabuo ang kaso.
Kaya payo ng Pangulo sa Senadora, harapin ang kapalit ng mga naging aksyon nito noong kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).
Para naman kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, magandang pagkakataon ang pagkakasampa ng kaso upang patunayan ni De Lima na siya ay inosente.
By Ralph Obina