Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na walang masama sa laganap na political dynasty sa bansa.
Tugon ito ng Pangulong Duterte sa issue ng posibleng pagsabak sa 2022 presidential election ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.
Sa inagurasyon ng ilang infrastructure project sa Siargao Island, iginiit ng pangulo na malabong mabura ang political dynasty hangga’t hindi binabago ang 1987 constitution maging ang kultura ng bansa.
Kahit aniya ipilit ay hindi tatanggapin ang hirit na ipagbawal ang mga political dynasties, lalo’t iba’t-ibang pamilya ang humahawak ng mga political position. —sa panulat ni Drew Nacino