Dumating na kahapon sa Lima, Peru ang Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Economic Leaders Meeting.
Ito ang unang biyahe ng Pangulong Duterte bilang punong ehekutibo sa labas ng Asya.
Pagkalapag ng eroplano ng Pangulo sa Peru, sinalubong ito ni Peru Culture Minister Jorge Nieto at Peruvian Ambassador to the Philippines Julio Cardenas Valerde.
Ang main event ng APEC ay magsisimula ngayong araw hanggang Nobyembre 29 na inaasahang dadaluhan ng 21 economic members.
Sa naturang pagkakataon din ay may pagkakataon ang Pangulong Duterte na mailahad ang mga plataporma nito lalo na sa usapin ng ekonomiya, polisiya at seguridad.
Inaasahan ring magkakaroon ng bilateral meeting ang pangulo kina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.
By Ralph Obina
Credit: Malacañang Photo