Inaasahang nasa Singapore na ngayon ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang state visit matapos bumisita sa bansang Cambodia.
Bagi ito, 4 na kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia makaraan ang naging pagpupulong nila Pangulong Rodrigo Duterte at Cambodian Prime Minister Hun Sen.
Ilan sa mga nilagdaang kasunduan ay ang pagsugpo sa transnational crime, pagpapatatag sa sektor ng paggawa, pagpapalakas ng ugnayan sa larangan ng palakasan at ang pagpapatupad ng ugnayan sa larangan ng turismo.
Kasunod nito, nag courtesy call ang Pangulo kay Cambodian Chamber of Commerce President Kith Meng na siya ring Economic Adviser ng Prime Minister.
Mainit ding sinalubong ang Pangulo sa ginawang royal banquet na handog ng Hari ng Cambodia sa reception hall ng royal palace.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping