Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang Philippine Identification card.
Si National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Kendrick Chua ang mismong nag-abot ng National ID kay Pangulong Duterte sa Malacañang.
Kasamang nakakuha rin ng naturang ID sina Senador Christopher “Bong” Go at Executive Sec. Salvador Medialdea.
Ang Philippine Identification System o ay ang opisyal na national identity card para sa mga Pilipino at permanent foreign residents na nasa Pilipinas.