Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kasabay ng paggunita ng sambayanan sa 1986 People Power Revolution.
Sa inilabas na pahayag ng Palasyo, sinabi ng pangulo na sana’y magsilbing-aral ang mga hakbang na ginawa ng mga Pilipino noon para mapanatili ang pag-iral ng demokrasya sa bansa laban sa sinumang nagnanais na wakasan ito.
Dagdag pa ng pangulo, magandang pagnilayan ang pangyayari noong kasagsagan ng People Power Revolution para muling mabuhay ang pag-asa ng publiko na sama-samang iangat ang bayan.
Sa huli, binigyang diin ng pangulo na ang pagtutulungan ng bawat-isa ay paniguradong makatutulong sa bansa para sa magandang kinabukasan ng susunod pang henerasyon.
BASAHIN: Pangulong Rodrigo Duterte, hinimok ang publiko na isantabi muna ang pagkakaiba-iba at magkaisa sa pagtatatag ng legasiya na maipapamana sa mga susunod pang henerasyon #EDSA35 pic.twitter.com/SRhBxJtvtl
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 25, 2021