Inihayag Ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang National Housing Authority (NHA) ay magbibigay ng P100M na tulong sa bawat probinsya na sinalanta ng Bagyong Odette.
Binigyang diin ni Duterte na ang halaga ay gagamitin sa muling pagtatayo ng mga bahay ng mga apektadong residente.
Samantala, inilabas ng Department Of Budget and Management (DBM) ang inisyal na P1B na tulong pinansyal na ipinangako ni Duterte para sa pagtugon at mga pagsisikap sa pagbawi sa mga rehiyong sinalanta ng naturang bagyo.
Saklaw ng tulong pinansyal ang mga apektadong Local Government Units (LGUs) sa Region Iv-B (MIMAROPA), Region VI (Western Visayas), Region VII (Central Visayas), Region VIII (Eastern Visayas), Region X (Northern Mindanao), at REGION XIII ( Caraga), kung saan isinailalim ng Pangulo sa state of calamity.