Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Occupational Safety Law na titiyak na ligtas sa anumang “peligro sa trabaho” ang mga manggagawa.
Alinsunod sa Republic Act 11058, inaatasan ang mga employer, contractor at subcontractor na tiyaking ligtas sa sakit o disgrasya ang mga lugar na pinag-tatrabahuhan.
Dapat ding magbigay ang mga employer ng kumpletong job safety instructions o orientation sa lahat ng manggagawa at mga paraan sa pagharap sa anumang emergency o aksidente.
Sa ilalim din ng nasabing batas, may karapatan ang mga empleyado na tumangging mag-trabaho nang walang pagbabanta mula sa kanilang mga employer kung malalagay sila sa kapahamakan.
—-