Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailanma’y hindi niya sinabi na po-protektahan at pangangalagaan ang karapatan ng mga kriminal at durugista.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa tuwing babanggitin niya ang mga katagang ‘I Will Preserve the Filipino’ hindi ito nangangahulugan na kasama ang mga masamang elemento na sumisira sa ating bansa.
Ang naturang mga kataga aniya ay para lamang sa mga law-abiding citizen, inosente at mga may takot sa Diyos.
Samantala, tinanong naman ng Pangulo ang kanyang mga kritiko kung paano mapo-protektahan ang mga Pilipino kung patuloy na mamamayagpag ang mga kriminal at mga durugista sa ating bansa.