Nilinaw ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito galit sa media.
Ito ay kaugnay sa insidente bago umalis ang Pangulong Duterte patungong Laos para sa ASEAN Summit kung saan ay natanong ito ukol sa magiging tugon sa pagkwestyon ni US President Barack Obama sa extrajudicial killings sa bansa.
Ayon sa Pangulo, naiintindihan niyang trabaho ng mga mamamahayag ang magtanong habang tungkulin naman aniya niya na mag-ulat sa sambayanan.
Sad for Mayor Sara
Samantala, bakas naman ang lungkot sa Pangulong Duterte nang mapag-usapan ang sinapit ng anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na nawalan ng dalawa sa triplets na ipinagbubuntis nito.
Inamin ng Pangulo na napa-iyak siya nang malaman ang naturang balita habang nasa Laos siya para sa dinaluhang ASEAN Summit.
Ayon sa Pangulo, matagal ding hinintay ng kanyang anak ang pagdadalantao dahil sa hirap aniya ito sa pagbubuntis kayat masaklap ito para sa kanilang pamilya.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP