Nirerespeto ng Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng nakararaming residente ng Sulu na huwag maging bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinikilala ng pangulo ang resulta ng plebisito sa Sulu.
Hindi naman aniya itinuturing na banta si MNLF founder Nur Misuari sa naging tagumpay ng plebisito matapos na maraming lugar sa mindanao ang nagpahayag ng yes votes.