Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-31 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power sa kampo Aguinaldo.
Sa halip, pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang maiksi at simpleng programa na inihanda ng pamahalaan para sa okasyon.
Ipinaabot ng Pangulo ang kaniyang mensahe kung saan, ipinauwa niya sa publiko ang tunay na diwa ng EDSA na aniya’y isang patunay ng kapangyarihan ng mamamayan.
PAKINGGAN: Pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea
Pagkakataon na rin ito ayon sa Pangulo na pagnilayan ng publiko kung nasaan na ang bansa sa kasalukuyan tatlumpung taon mula nang sumiklab ang tinaguriang bloodless revolution.
PAKINGGAN: Pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea
By Jaymark Dagala |With Report from Aileen Taliping