Obligado umanong aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kilala niya si Retired SPO3 Arthur Lascañas.
Sinabi ni Senador Antonio Trillanes, binabantayan ng iba pang miyembro ng davao death squad o DDS kung paanong tutugunan ng Pangulo ang mga pahayag ni Lascañas hinggil sa mga pagpatay ng grupo.
Pinagmamasdan din, aniya, ng davao death squad members kung paanong itatrato ni Pangulong Duterte si Lascañas na matagal umano niyang nakasama.
Ayon kay Trillanes, tiyak na namumroblema na ang Pangulo dahil baka may sumunod pa kay Lascañas na magpapatotoo sa davao death squad.
Dagdag pa ng senador, napakahalaga ng magiging pagdinig ng senate committee on public order and dangerous drugs sa Lunes, Marso 6, kung saan muling haharap si Lascañas.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno