Pangungunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang send-off ceremony sa mga atletang lalahok sa Asian games sa Indonesia simula August 18 hanggang September 2.
Nakatakdang isagawa sa Malakanyang sa August 13 ang seremonya kung saan kabilang sa ipapadala rin ang basketball team ng Pilipinas na muntik nang hindi matuloy.
Sinabi ng Malakanyang na buo ang suporta ng Pangulong Duterte sa delegasyon ng Pilipinas dahil isa ang sports gaya ng basketball ang paraan para mailayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo tulad ng iligal na droga.