Muling kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal na may kinalaman sa illegal drug trade sa bansa.
Sa kanyang lingguhang ‘ulat sa bayan’, sinabi ni Pangulong Duterte na sa datos ng Dangerous Drugs Board (DDB), na 2 sa 100 mga Pilipino na may edad 10 hanggang 69 anyos, ay pawang mga drug users o gumagamit ng droga.
Ibig sabihin, tinatayang aabot sa P1.6M ang mga drug users na ayon sa Pangulo ay mas mababa kumpara sa datos noong pasimulan ang laban kontra iligal na droga na nasa 4M.
Pero ani Pangulo, bagamat bumaba na ang mga drug users sa bansa, ay patuloy pa rin ang laban nito kontra iligal na droga.
We are still in the thick of the fight against shabu.” ani Pangulong Duterte
Kasunod nito, nagpaalala ang Pangulo sa mga magulang, na laging gabayan ang kanilang mga anak para hindi ma-impluwensyahan ang mga ito ng iligal ng droga.
The parents should have also a shared responsibility. Dapat kayo din ang masisi nito. Kung ‘yung anak ninyo pupunta na doon sa kanta ni Freddie Aguilar, Anak. ‘Yan ‘yun eh, pinabayaan ninyo. Check on your children. Always. Supervise, check. Kasi diyan ninyo maaalagaan ang kapakanan ng anak ninyo.” dagdag ni Pangulong Duterte
Sa huli, nanindigan ang Pangulo na nakahanda siyang panindigan ang mga patayang may kaugnayan sa giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga, dahil ito naman aniya ay para sa kapakanan ng bawat pilipino.
You can hold me responsible for anything, any death that has occurred in the execution of the drug war. Pero ‘wag ninyo ako bintangan diyan sa patayan na hindi mo alam kung sinong pumatay.” pahayag ni Pangulong Duterte