Personal na ikakampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bibiyahe ang Pangulo pa-Cotabato City sa Biyernes para himukin ang mga taga-Mindanao na paboran ang BOL.
Ayaw namang pangunahan ni Panelo ang sasabihin ng Pangulo subalit irerespeto naman aniya ng Pangulo ang magiging desisyon ng mga apektadong residente.
—-