Personal na tinawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Pangulong Joseph Estrada para kumustahin ito matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kapwa pinasalamatan nina dating senador Jinggoy Estrada at JV Ejercito ang Pangulong Duterte sa pag-alam sa kondisyon ng kanilang ama.
Malaking bagay anila ang ginawang pagtawag ng pangulo para lumakas at lumaban pa ang dating pangulong Erap sa sakit na COVID-19.