Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga pulis na nasasangkot sa maling gawain tulad ng kidnapping at iligal na droga.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat isailalim sa summary dismissal ang mga tiwaling pulis para malinis na ang pambansang pulisya.
Dagdag ng Pangulo, kapag hindi nabantayan ay posibleng maging susunod na henerasyon ng mga holdapers at drug lords ang mga ito.
Matatandaang, naglaan ng dalawang milyong pisong pabuya ang Pangulo sa bawat mahuhuling ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng mga nakukuhang shabu.
Malakanyang tiniyak ang patas na imbestigasyon sa one-time bigtime ops ng Bulacan PNP
Tiniyak ng Malakanyang na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa inilunsad na anti-drug operation ng Bulacan Philippine National Police (PNP) na ikinasawi ng 32 drug suspects.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang naging aksyon ng PNP ay hindi lamang sa iisang lugar kundi simultaneous police operations laban sa lahat ng illegal drug personalities sa buong lalawigan ng Bulacan.
Ani Abella, batay sa pahayag ng mga otoridad, lumaban ang mga nasawing drug suspects nang gawin ang operasyon at patunay aniya ang mga nakuhang baril, bala at granada.
Pagttityak pa ni Abella, kumilos na aniya ang internal affairs service ng PNP para mag-imbestiga sa inilunsad na one-time bigtime operation ng mga pulis sa Bulacan.
Magugunitang mismong si Pangulong Rorigo Duterte ang nagpahayag ng kanyang suporta sa anti-drug operations ng Bulacan PNP kung saan sinabing sana ay araw0araw ito gawin para mabawasan ang problema sa iligal na droga.