Pinag-aaralan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng AFP, PNP at DND na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pangunahing kinukunsidera ng presidente sa pagdedesisyon ang seguridad ng mga nasa Mindanao na nahaharap anya ngayon sa mga banta.
Una nang kinumpirma ng militar na inirekomenda nila sa Malakanyang na palawigin pa ang batas militar pero hindi na ito nagbigay ng detalye kung hanggang kalian.
Nakatakdang magtapos ang martial law sa Mindanao ngayong December 31.