Pinag-iingat ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagbusisi sa mga nasasawi may kaugnay sa anti-drugs war ng gobyerno at maging sa communist insurgency.
Iginiit ng pangulo na nagpapatupad ng maximum tolerance ang mga otoridad subalit sinanay din ang mga ito na pumatay para idepensa ang kanilang mga sarili.
Sinabi ng pangulo na walang training ang mga New People’s Army (NPA) at tanging ambush lamang ang alam ng mga ito.
Ayon pa sa pangulo, ilan naman sa mga nasasawi ay walang kaugnayan sa talagang operasyon dahil ang mga ito o maging ang mga umano’y rebeldeng komunista ay sadyang pinapapatay ng mga drug lords o kapwa rebelde nila bilang proteksyon sa mga ito na huwag mahuli ng mga otoridad.