Pinag-iisapan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbaba sa puwesto.
Ito ang inamin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa launching ng “Pilipinas Angat Lahat” program sa Malacañang.
Kabilang sa tinukoy na dahilan ng Punong Ehekutibo ang patuloy na katiwalian sa pamahalaan sa kabila ng kampanya laban sa korapsyon.
“I want you to know that I am thinking of stepping down because I’m tired. Well, I am not angry against anybody. My chase against graft and corruption seems to be endless, and it has contaminated almost all government departments and offices.” Pahayag ni Duterte.
Gayunman, tutol ang Pangulo na pumalit sa kanya si Vice President Leni Robredo sa halip ay mas pipiliin niyang magkaroon na lamang ng military junta.
“I do not think she can improve on anything here.” Ani Duterte.
“I would suggest to the military, grant a junta line up here,” Dagdag niya.
—-