Pinagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pasaway pulis na iniharap sa kanya sa Malacañang.
Sa kabila ng sinasabing maliliit na kaso ng mga nasabing pulis tulad ng pagiging late o absent, pangongotong, pag-oorbit, at moonlighting, hindi napigilan ng Pangulo na magalit sa kanila.
Tila nababalewala, aniya, ang kanyang pagsusumikap na dagdagan ang sahod ng mga pulis dahil sa mga inaasal ng mga tiwaling pulis.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By: Avee Devierte