Pinahahanapan ng solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Interior Department ang problemang kinakaharap ng maraming Pilipino sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Sa ulat sa bayan ng pangulo, ipinunto nito ang pagpila ng publiko sa gitna ng pag-uulan maging ang pagbaha nitong mga nakaraang araw.
Giit ng pangulo na ‘common sense’ lang aniya ang kailangan para masabing mali ang hakbang na ito lalo’t naisasaalang-alang din ang kaligtasan nito sa ilang mga sakit gaya ng leptospirosis at trangkaso.
Kung kaya’t ani Pangulong Duterte na panahon na para humanap at ikonsidera ng mga lokal na pamahalaan na sa ibang lugar isagawa ang pagbabakuna para maiwasan ang ganitong uri ng aberya.