Tila binuweltahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of the Ombudsman makaraang simulan na nito ang pagkalkal sa mga bank transactions ng First family.
Sinabi ng Pangulo sa isang panayam sa kaniya na payag siyang magpa-imbestiga sa Ombudsman ngunit dapat itong maging patas at imbestigahan din ang mga taong tumuligsa sa kaniya partikular na si Senador Antonio Trillanes IV.
Kasunod nito, hindi rin naitago ng Pangulo ang kaniyang sama ng loob sa Ombudsman dahil sa anito’y pagiging bias o hindi patas sa paghawak ng iba’t ibang usaping may kinalaman sa katiwalian.
Kasunod nito, hinamon pa ng Pangulo ang naturang tanggapan na imbestigahan din ang sariling hanay dahil tadtad din aniya ito ng katiwalian.
Giit ng Pangulo, hindi niya tatantanan at kaniyang hahabulin ang lahat ng mga nasa likod ng talamak na lagayan sa nasabing tanggapan.
—-