Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang lahat ng nangyayaring korapsyon sa gobyerno.
Ayon sa pangulo maaaring bumuo ng panel of investigators ang ahensya kung kinakailangan.
I hope that all government workers, officials are listening. This is a memorandum from me to Justice Secretary Menardo Guevarra. The subject is investigating corruption allegations in the entire government,” ani Duterte.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng pangulo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na hindi sila maililigtas ng kanilang pagbibitiw sa pwesto.
Ayon sa pangulo, tutukan niya ngayon hanggang sa matapos ang kaniyang termino sa 2022 ang pagsilip sa mga anomalya sa bawat ahensya ng gobyerno.
Sa halip kasi aniya na humina ngayon ang korapsyon, tila tumitindi pa umano ito.
Let me remind everybody in this government na your resignation will not save your neck. Alam mo bakit? You are not allowed to resign if there is a pending case against you,” ani Duterte.
Mag-resign ka man, ‘di ka mag-report, you will be summoned, subpoenaed not because you are already out of government, but because for all intents and purposes you are still a part of government. You are not allowed to resign to escape liability,” dagdag pa ng Pangulong Duterte. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)