Nanguna sa isang survey si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinakamapagmahal, maintindihin, may malasakit na opisyal ng bansa.
Sa isinagawang survey ng Publicus Asia Inc., lumalabas na ayon sa mayorya ng Pilipino, itinuturing nila na si Pangulong Duterte sa limang pinakamataas na opsiyal ng bansa, siya ang may mas mataas na pagmamahal, pagpapahalaga, at pag-aala sa ating bansa.
Bukod kay pangulong duterte, kabilang din sa ibinigay na pilian sa naturang survey, ay sina Vice President Leni Robredo, Chief Justice Diosdado Peralta, Senate President Vicente Sotto III, at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Samantala, isinagawa ang survey nuong August 1 hanggang August 11 na nilahukan ng nasa 1,500 na mga respondents.