Ipinapakikita lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong ilang tao na above the law o mas mataas pa sa batas.
Sinabi ito ni Senador Bam Aquino, kasunod ng pahayag ng Pangulo, na handa siyang bigyan ng presidential pardon ang mga akusadong pulis sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa habang nasa kulungan.
Ayon kay Aquino, mahalagang hayaan munang umusad ang hustisya, bago magbigay ng ano mang pahayag hinggil sa pardon.
Nangamba naman ni Senadora Risa Hontiveros na maaring makaapekto sa proseso ng prosekusyon ang pahayag ng Pangulo.
Samantala, sinabi naman ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na panahon palang ng kampanya ay sinasabi na ng Pangulo na kanyang kakampihan ang mga pulis na makakasuhan sa paggawa ng kanilang tungkulin, at ito ay tila pinayagan naman na ng publiko dahil sa pagboto sa kanya.
By Katrina Valle |With Report from Cely Bueno