Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng human rights violations noong rehimeng Marcos.
Ito ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea ay sa pamamagitan ng paglagda ni Pangulong Duterte sa Joint Resolution Number 04.
Sinabi ni Medialdea na nagpalabas ng resolusyon ang pangulo dahil hindi natapos ng Human Rights Victims Claims Board ang pag proseso sa mahigit 75,000 applicants pa at hindi na rin magagamit ang pondo para sa claimants.
Maaari aniyang makapag proseso pa ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao hanggang sa December 31, 2019.
Nakasaad din sa resolusyon ang pagbibigay ng go signal ng pangulo sa Bureau of Treasury at Land Bank para mag release ng pondo habang ang mamamahagi nito ang Commission on Human Rights.