Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon sa pagpapawalang bisa o abrogation ng VFA o Visiting Forces of Agreement Ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., aniya ang naturang suspensyon ay magtatagal pa ng anim na buwan.
Dagdag pa ni Locsin na ang naturang hakbang ay ipinagbigay alam ni Pangulong Duterte habang masusing inaaral ang usapin ng kasunduan ng dalawang bansa.