Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang MMDA o Metropolitan Manila
Development Authority at mga local government units na linisin ang lahat ng mga pampublikong kalsada na ginagamit bilang mga pribadong pag-aari.
Ito aniya ay upang maresolba na ang matagal ng problema sa trapiko sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Pangulong Duterte, umaabot sa 3.5 bilyong piso ang nawawalang kita ng bansa dahil sa problema sa masikip na trapiko.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang pagsuspindi sa mga LGU officials na mabibigong tuparin ang kanyang utos.