Pinalitan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang task force na mangangasiwa sana sa pagbangon ng Marawi City.
Inamyendahan ng Malakanyang ang Administrative Order No. 3 na nagtatatag ng Task Force Bangon Marawi.
Sa ilalim ng inilabas na Administrative Order No. 9, inililipat na sa Housing Urban Development Coordinating Council o HUDCC, sa pamumuno ni Retired General Eduardo Del Rosario ang pamumuno sa bagong inter agency task force mula sa Department of National Defense o DND.
Si Del Rosario ang nabigyan ng responsibilidad sa operation at supervision ng mga proyekto ng pamahalaan para sa pag-bangon ng Marawi City.
Itinalaga naman sa inter agency task force ang DND at Department of Interior and Local Government o DILG bilang co – chairman ng subcommittee on security, peace and order para sa pagpapanumbalik ng kaayusan at kapayapaan sa siyudad.