Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabayad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa valid claims ng mga ospital.
Ito’y matapos aprubahan ng PhilHealth ang aplikasyon sa isang debit-credit payment method na magpapabilis sa settlement accounts sa mga health care facilities.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y magiging mabisa sa mga lugar na tinukoy ng Inter-Agency Task Force at National Task Force, tulad ng National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, at sa Rizal.
Dagdag pa ni Roque, kailangan walang record ang mga health care facilities ng interim reimbursement fund balance at kailangan din tuloy tuloy din ang pagbibigay ng testing package habang isinasagawa ang pag-aapply sa naturang payment scheme method.
Bukod dito, magbibigay ng karagdagang guidelines ang PhilHealth sa publiko.
Samantala, tiniyak ni Roque na tuloy ang paghahatid ng healthcare services upang makontrol ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. —sa panulat ni Rashid Locsin