Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong kalihim ng DILG o Department of Interior and Local Government.
Inanunsyo ng Pangulo ang appointment ni Armed Forces of the Philippines AFP Chief of Staff Eduardo Año bilang bagong DILG Secretary sa kanyang pre-departure media speech bago tumulak patungong Cambodia para sa World Economic Forum.
Nabakante ang nabanggit na posisyon matapos sibakin ni Pangulong Duterte si dating DILG Secretary Mike Sueno dahil sa alegasyon ng korapsyon.
Si Año, ang ika-apat na hepe ng militar na papasok sa gabinete ng adminstrasyong Duterte kasunod nina National Security Adviser Hermogenes Esperon, National Irrigation Administrator Ricardo Visaya at DENR Secretary Roy Cimatu.
Samantala, Itinalaga rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Alan Peter Cayetano bilang susunod na kalihim ng DFA o Department of Foreign Affairs.
Sa kanyang departure speech bago tumulak sa cambodia, sinabi ng Pangulo na may mga kinakailangan lang na tapusin na trabaho si Cayetano na senado at pagkatapos nito ay uupo na siya bilang DFA Secretary.
Kinumpirma rin ng Pangulo na pirmado na niya ang appointment ni Cayetano.
Matatandaang ilang buwan na ring lumulutang ang mga balita na target rin ng mambabatas ang nasabing DFA post.
By Meann Tanbio