Pinanumpa ng Pangulong Rodrigo Duterte si MILF Chairman Al Hajj Murad Ebrahim bilang chief minister ng BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Si Murad ang mangunguna sa 80 miyembro ng BTA o Bangsamoro Transition Authority para pamunuan ang mas pinalawak na autonomous region sa Mindanao.
41 sa 80 na miyembro ng BTA ang nagmula sa MILF samantalang kabilang rin ang mga halal na opisyal ng nabuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao hanggang matapos ang kanilang termino sa June 30, 2019.
Pamumunuan ng BTA ang BARMM hanggang sa magkaruon ng regular na eleksyon ng mga miyembro ng BARMM parliament sa 2022.
Ayon sa pangulo ang BARMM ang katuparan ng pangarap na pagtatapos ng ilang dekada nang labanan sa Mindanao.