Personal na inabot ng Pangulong Rodrigo Duterte ang parangal na ipinagkaloob ng PNP o Philippine National Police kay Ozamiz Chief of Police Chief Inspector Jovie Espinido.
Si Espinido ay kasama sa mga individual awardees na kinilala sa isinagawang 116th Police Service Anniversary rites sa Camp Crame ngayong hapon.
Si Espinido na siyang nanguna sa matagumpay na raid laban sa mga Parojinog, at nagpakulong sa yumaong Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. ay kinilala sa kanyang achievements sa kampanya kontra-droga.
Kasama ni Espinido na tumanggap ng individual awards ay sina:
PSSUPT Jonnel Estomo, PSSUPT Rene Pamuspusan, PCINSP Ford Sudaypan, PCINSP Ritchie Yandug, SPO4 Francisco Alfeche, SPO2 Harold Nicolas, SPO1 Juan Carlos Ventura, SPO2 Jhan Jay Apostol, NUP Grace Abalde, NUP Sheena Lyn Montiero, PSSUPT Rolando Anduyan, PRO ARMM.
Pinagkalooban naman ng special individual awards ang mga pulis na lumalaban sa Marawi na sina: PSUPT Rex Arvin Malimban, PSUPT Lambert Suerte, SPO1 Erwin Garalde, SPO1 Jethro Amengan.
Tumanggap naman ng unit awards bilang Best Police Regional Office, ang PRO1; Best Police Provincial Office ang Sorsogon Provincial Office; Best City Police Office ang Iligan City Police Office; Best City Police Station ang Vigan City Police Station; Best Municipal Station ang San Jose de Buenavista Municipal Station; Best Regional Public Safety BN ang RPSB 12; Best Provincial Public Safety BN ang Bukidnon PPSC; Best City Public Safety Company ang Davao City PSC.
Best National Operational Support Unit ang PNP Maritime Group; Best Natl Administrative Support Unit ang Information Technology MGT Service; Best Women and Children Protection Desk ang PRO 7; Best Regional Police Human Rights Desk ang PRO 7; Best Police Strategy MGT Unit ang RPSM Pro 13.
May special unit award naman ang PNP Counter Intelligence Unit sa pangunguna ni PSSUPT Chiquito Malayo; at may award din para sa accounting ng illegal drug personalities sina: NCRPO Director Oscar Albayalde; PRO3 Director PCSUPT Aaron Aquino; at PRO 4A Director PCSUPT Mao Aplasca.
By Meann Tanbio
Photo Credit: RTVM/ Presidential Communications