Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA ang mga health workers na nangunguna sa pagtugon sa pagsugpo sa COVID-19.
Nagpasalamat din ang pangulo sa mga Pilipino na sumusunod sa health protocols na layong mapigilan ang pagkalat ng virus.
Nagpahayag din ng taus-pusong pasasalamat si Duterte sa local executives, private sector, international development partners ng Pilipinas para sa naging pagtugon ng mga ito sa COVID-19.
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na handa ang gobyerno na tulungan ang pribadong sektor na muling buhayin ang commercial vibrance ng bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico