Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga COVID-19 volunteers na tumulong sa National Vaccination Days ng pamahalaan.
Nabatid na umabot sa 10.2 million na mga indibidwal ang naturukan ng COVID-19 vaccines sa ikinasang extended na ‘Bayanihan, Bakunahan’ noong nakaraang linggo.
Matatandaan na mula sa 15-M na target ng pamahalaan na maturukan sa National Vaccination Days ay ibinaba ito sa 9-M noong November 29 hanggang nitong December 1.
Sa ngayon, umaasa ang pangulo na mas mahihigpitan pa ang tagumpay ng phase 1 sa ikakasang second phase ng vaccination days na gaganapin naman sa December 15 hanggang December 17. —sa panulat ni Angelica Doctolero