Pinasalamatan Ni Senate Majority Floorleader Juan Miguel Zubiri ang Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong nito para matiyak na mababayaran ang halos isang bilyung pisong pagkakautang ng PhilHealth sa Red Cross
Ayon kay Zubiri na nagsisilbi ring vice chairman ng Philippine Red Cross, ang naturang halaga ay bayad sa naging serbisyo ng Red Cross sa pagsasagawa ng malawakang COVID-19 testing sa bansa
Nakipag partner aniya ang gobyerno sa Red Cross para makapagserbisyo sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers at sa mga local government units na nangangailangan na ipa-covid test ang kanilang mga constituents.
Iginiit ni Zubiri, ngayong tiniyak ng pangulo na mababayaran ang Red Cross, maari na uling ipagpatuloy ng Red Cross ang mass testing
Ayon sa senador, ipinagmamalaki nila na ang Red Cross bilang non-profit organizatin ay nangungunang covid tester sa bansa. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)