Pinatatahimik ng ilang mga kaalyado ng administrasyon ang Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga kontrobersiyal na pahayag nito.
Hinikayat ni Majority Leader Rodolfo Fariñas ang Pangulong Duterte na huwag nang magsalita at tumutok na lamang trabaho.
Samantala, pinapurihan naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang tapang ng pangulo na mag-sorry at aminin ang kanyang pagkakamali.
Pagbibiro pa ng Alvarez, may anim na taon pa ang Pangulo para mag-apologize sa kanyang mga maling pahayag.
Hindi rin napigilan ni Senator Dick Gordon na punahin ang pagiging maingay ni Rodrigo Duterte na bagaman kaibigan niya ito ay kailangan pa ring pansinin ang mga hindi tamang pahayag nito na naglalagay sa bansa sa alanganin.
Binigyang diin pa ni Gordon na tungkulin ng Pangulo na maging statesman.
By Rianne Briones