Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na huwag mangampanya para sa sinumang kandidato sa 2019 midterm elections.
Ginawa ng pangulo ang pahayag ilang araw bago ang simula ng panahon ng kampanya.
Sa kanyang talumpati sa Legazpi City, Albay, sinabi ng pangulo na ayaw niyang maakusahan na ginagamit ang resources ng gobyerno para sa nalalapit na halalan.
Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na mananatiling nuetral ang pulis at militar sa darating na botohan.
Umaasa naman ang pangulo na maidaraos sa Mayo ang isang maayos, mapayapa at tapat na eleksyon.