Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si ARMM o Autonomous Region of Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman na tutukan nalang ang problema sa Abu Sayyaf sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ito ng Pangulo matapos sabihan si Hataman na huwag nang problemahin ang pagpapatapon sa Mindanao ng mga tiwaling pulis mula dito sa Luzon.
Dagdag pa ng Pangulo na siguradong titino ang mga pulis kapag sila ay naitalaga na sa ilang bahagi ng Mindanao.
Matatandaan na nanawagan si ARMM Governor Hataman sa Pangulo huwag gawing tapunan ng mga may kasong pulis ang Mindanao pagkat nakakasira ito sa imahe ng nasabing lugar.
By: Katrina Valle / Aileen Taliping