Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na naglalayong i-adjust ang dividend rate ng overseas Filipino bank (OFB)
Sa ilalim ng EO 146, ang adjustment ng porsiyento ng annual net ratings na idedeklara at ire-remit ng OFB mula 50% hanggang 0% para sa calendar year 2016.
Inirekomenda ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang pagtapyas sa 2016 dividend rate sa zero upang suportahan ang capital position ng OF bank at payagang sumunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ito’y bilang suporta sa short-and-long-term plans at programa ng mga bangko para sa OFW at kapakanan ng ekonomiya ng bansa.—sa panulat ni Drew Nacino