Nakatakdang pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang 2019 national budget.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, lalagdaan ito ng Pangulong Duterte sa Abril 15 matapos ang ilang buwan pagkaantala nito dahil sa hindi pagkakasundo ng Senado at Kamara de Representantes hinggil sa usapin na ito.
Samantala, hindi pa tiyak kung may iveveto ang punong ehekutibo sa nasabing panukala.
Matatandaan ang panukalang P3.757 trillion 2019 budget ay naantala dahil sa umano’y insertion nito na wala sa pinag-usapan ng mga senador at mambabatas.