Planong bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, unang dadalawin ng Pangulo ang mga accessible o pinakamadaling puntahan na lalawigan.
Magugunitang dumalo si Duterte sa isinagawang command conference kasama ang mga ahensya ng pamahalaan bago nag-landfall ang bagyo.
Subalit mula noon ay hindi na nagpakita sa publiko si Pangulong Duterte hanggang sa manalanta si Ompong.