Planong ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang family planning program sa bansa sa huling taon ng kaniyang termino.
Ito ang kaniyang inihayag sa kaniyang talumpati sa anibersaryo ng comprehensive agrarian reform program.
Ayon sa Pangulo nais niyang ibalik ang family planning program matapos ang kaniyang naging pagbisita sa mga magsasaka sa Davao kung saan nakita niya na maraming anak ang mga ito.
Sinabi pa ng Pangulo na tanging sila lamang ni dating Pangulong Fidel Ramos ang malakas ang loob na magsulong sa family planning kahit pa kontra rito ang ibang relihiyon.
Gayunman nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi ibig sabihin nito ay papayagan na ang aborsyon sa bansa sa sandaling ipatupad muli ang family planning.