Plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-pulong sa mga kinatawan ng iba’t ibang relihiyon para sa isang maayos na ugnayan ng mga ito.
Ayon sa Pangulo, pangarap niyang magkaroon ng magandang relasyon sa simbahang Katolika at mga kapatid na Muslim sa Mindanao.
Batid aniya ang pagkakaiba-iba ng bawat isa subalit mas mainam aniya kung matututong makinig ang lahat.
Sinabi pa ng Pangulo na naniniwala siyang darating din ang panahon na maaayos din ang ugnayan ng lahat.