Posibleng magdeklara ng revolutionary government ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ayon sa Pangulo ay kapag nalagay sa alanganin ang gobyerno dahil sa ilang grupong nagtatangkang pabagsakin ang kaniyang administrasyon.
Direktang tinukoy ng Pangulo ang mga oligarchs na nagpo pondo sa plano kasabwat ang mga militante at mga komunista gayundin ang Central Intelligence Agency.
Gagawin aniya niya ang naging hakbang ng dating Pangulong Corazon Aquino na nagdeklara ng revolutionary government ng may gustong magpabagsak sa kaniyang administrasyon.
Sinabi ng Pangulo na hindi na kailangan ang martial law na nangangailangan pa nang pagre reprot sa Kongreso kumpara sa revolutionary government na mas madaling gawin kapag mako kompromiso ang gobyerno at kapakanan ng mga Pilipino.