Posibleng bumalik sa China si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo matapos makatanggap ng imbitasyon mula kay Chinese President Xi Jinping para sa isang summit sa Beijing.
Mismong si Chinese Ambassador Zhao Jian Hua ang nagkumpirma nito sa Malacañang makaraang i-turn over ang 400 transistor radio sa PCOO o Presidential Communications Operations Office.
Ayon sa Chinese Ambassador, muling magkakaroon ng pagkakataon ang dalawang lider para makapagpulong at paigtingin ang relasyon ng China at Pilipinas.
Simbolo ang donasyong transistor radios sa mga proyektong gagawin ng China batay sa memorandum agreement na nilagdaan ng PCOO at counterpart nito noong nakalipas na taon.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping