Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bumuo ng bagong panel na makikipag-usap sa Communist Party of the Philippines (CPP) para sa kapayapaan.
Ito ay matapos na i-anunsyo mismo nito ang permanente at tuluyan nang pagtatapos sa peace talks noong Marso.
Sa kanyang naging talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bukidnon, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang dalawang sibilyan at tatlong opisyal ng militar ang bubuo sa nasabing bagong peace panel.
Iginiit din ng Pangulo na nais niya ng bagong pamamaraan ng usapang pangkapayapaan lalo’t kanyang ikinainis ang mabagal na takbo ng nakaraang peace talks.
Inabot aniya ng tatlong taon bago makaroon ng resulta ang pakikipag-usap ng government peace panel sa CPP-NPA-NDF na hindi rin nagtagumpay.
—-