Posibleng magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa Negros Oriental.
Sa gitna na rin ito ng serye ng patayan na kagagawan umano ng New Peoples Army.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pinag aaralan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon base na rin sa rekomendasyon ng security cluster ng gobyerno.
Hindi aniya sapat ang 300 commandos na idinagdag na puwersa ng PNP sa Negros Oriental.
Sa ngayon ay umiiral sa buong bansa ang national emergency na idineklara noong September 2016 matapos ang Davao City bombing bukod pa sa martial law na pinaiiral naman sa buong Mindanao matapos ang Marawi siege.